Nakaramdam ka na ba
ng takot? Yung para lang mapatunayan mong mahal mo siya. Yun ung takot na ayaw
mo siyang mawala sayo, na gugustuhin mung isuko lahat ng bagay para lang sa
tong gusto mo sa taong mahal mo, kasi alam mo sa sarili mo na hindi lahat ng
taong nakikilala mo eh ayaw mong mawala sayo. Minsan kasi may mga taong
darating sa buhay mo na akala mo wala lang, na akala mo hindi sila mahalaga
sayo, yung akala mo mananatili nalang silang bahagi ng nakaraan mo. Pero pagdating
ng panahon at habang tumatakbo ang mga oras at araw, namamalayan mo nalang na
hinahanap hanap mo na siya. Tapos tatanungin mo sa sarili mo, kamusta na kaya
siya? Sana sinubukan ko noon, baka
masaya kami ngayon, ok sana kami ngayon dba? Pero yun pala sila pala yung mga
taong takot kang mawala sayo at hahangarin mong makasama at Makita ulit at
maitama ang mga hindi mo nagawa noon para sa taong yun. At dumating yung araw
na susubukan mo na siyang pigilan, at gagawin ang lahat para hindi na pakawalan
pa. kasi darating yung araw na ipaparamdam mo sakanya na mahalaga siya para
sayo na worth it ka para sa pag-ibig at pagmamahal na gusto mong ilaan niya
para sayo at gusto mong sabihin sa kanya na hindi mo siya iiwan kahit anung mangyari hindi
katulad ng iba sakanya.
Dumating ako sa
pagkakataon na ok lang ako sa mga bagay at pagkakataon na ngyari as long as
masaya ako sa nararamdaman ko at masaya
siyang nararanasan ang kasama ako, pero bakit ganun hindi ko maiwasang matakot
at malungkot kasi may mga bagay akong ayaw na mangyari pero dapat pading
harapin. Mahalaga naman kasi masaya ako kasi kahit papano yung mga bagay na
hinangad ko at pinapangarap kong isipin ay natupad at ngyari kahit panandalian
lang. alam ko sa sarili ko ang mga posibilidad na mgyayari, alam ko na baka balang
araw magsawa siya, iwan niya aq, hindi na niya ako mamahalin o ang magsawa
siyang intindihin ako.
Pero sa kabila ng
lahat ng ito naniniwala padin akong hndi mgyayari yun, natatakot ako para sa
mga susunod pang mgyayari sa mga susunod pang mga taon, kasi nakakaramdam din
ako ng pagkataon sa pagkakataon na toh. Masaya ako sa moment na kasama ko yung
taong gusto ko yung taong mahal ko, yung tipong kahit masaktan ako sa huli at
least naging masaya ako kasama ng taong mahal ko, atleast diba? May taong
dumating sa buhay ko, na tinanggap ako minahal ako, at pinahalagahan ako na
alam kong masakit kapag nawala talaga siya sakin. Pero sa huli pinagpapasalamat
ko padin ang pagdating niya sa buhay ko.
Sa totoo lang hindi
naman nakakapagod magmahal eh, hindi rin naman ako natatakot masaktan. Kung eto
lang naman ang paraan para makuha ko siya at maramdaman niya ang halagang dulot
ng sayang nararamdaman ko. Ginawa ko lang naman ang alam kong tama ang alam
kong mahalin siya, ang mahalin ng mahalin ng mahalin .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento