Mapungay ang
mata, May titig na nagsasabing nakakatuwa ka, ilang buwan nadin kaming
tumambay, ilang buwan na kung anu-anung stubs ang ginagawa naming dalawa, lakad
dito, lakad dun, kain dito, at kain dun, tawanan d2, ngiti diyan, asaran dito
at asaran doon, ilang buwan din niyang sinuklian ng matamis na ngiti lahat ng
yun. Ang mga pinag gagawa ko, mga kalokohan at kakornihan ilang buwan lang
nararamdaman kung ito na yun, inoorasan ba ang love? At syempre hindi magiging
kami kung hindi sasabihin ang salitang mahal kita.
Ang pag-ibig
parang pag bibike masesemplang ka muna bago ka matuto, pero paano mo matutunan
kung takot kang subukan. Alam ko napapasaya ko siya kapag sinasabihan ko siya
ng I love you, panu ko nasabe? Kasi nirereplyan nya aq ng hehe, haha, smiley,
at sa huli babanggitin niya din ung salitang I love you too. Sobrang saya niya
kasama, nakakabobong saya, ansarap din nyang isipin, nakakatalinong isipin, hindi
niya siguro alam na parang physics formula ang nararamdaman ko sakanya, There
is no “FORCE” greater than love, even peer
“PRESSURE”, pati “ACCELERATE” ng “HEAT” na nararamdaman ko ay hindi ko
mapigilan dahil sa pagtibok ng puso ko para sakanya.
Simula ng
minahal ko siya hindi ko na iniisip ang iniisip niya, gusto ko lang maramdaman
niya na mahal ko siya, na sincere ang nararamdaman ko para sakanya, at malinis
ang intensyon ko, kasi alam ko kapag napakita at naparamdam ko sakanya yun alam
ko buong buo niya akong mamahalin. Hindi ko napapansin ang oras kapag katext ko
siya, lalo na kapag kasama ko siya, at hindi ko napapansin ang tunog ng paligid
ko at lakad ng mga tao at reaksyon ng mga mukha nila kapag nakikita ko na
nakangiti na siya, bago pa pala ako nagtapat sakanya ng nararamdaman ko, nasabi
ko na ang mga salitang to, Hayy naku may pag-asa ba ako? Kung sasabihin niyang
oo, maghihintay ako, kung hindi hahayaan ko siyang makitang masaya dahil ok n
akong naramdaman kong mahal ko siya kahit pa sabihin niyang hindi niya ako
trip. Hindi ko kasi alam kung anung gusto niya e, ako kasi ung tipo ng lalaking
makulit, malakas mang asar, at hindi torpe at syempre may pag kamaangas sbe nga
nila badboy men.
Sobrang laki ng pagmamahal,
sobrang lawak na kahit sinu pwede tamaan, actually hindi mo pa nga namamalayan
at maamin sa sarili mong mahal mo na siya, parang ako hindi ko inamin sa
sariling kong mahal ko na pala siya noon kahit sa litrato ko lang siya
tinitignan, ng makilala ko siya, madaminng akala na alam kong mali pala, akala
ko noon malakas ako pero mahina pala, akala noon matapang ako pero duwag pala
kasi ginagawa ko lang yun dahil hindi ko kayang sabihin ang totoong
nararamdaman ko, hinahayaan ko yung ibang tao na gustuhin at mahalin siya kasi
natatakot ako na baka masaktan ko lang siya, ganito pala talaga ang pakiramdam,
nakakatakot, nakakatorpe, nakakapang-hina, kasi totoo ung nararamdaman mo .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento