Sa sobrang dami kong ginagawa, at sa
sobrang dami kong gustong gawin wala na akong panahon noon para magkaroon ng
dahilan para sumaya gusto ko nalang sana maging normal ang lahat, tropa ang
madalas kong kasama, inum dito inum doon lalo na at kaliwat kanang gimik ,
tanong ng sakin ng iba, bakit? Hindi mo ba kailangan pagsabayin ang relasyon at
ang mga interesanteng bagay na gusto mong gawin? Sagot ko? Hindi pa, pero sa
totoo lang ayoko magmadali para kasi sakin bukod sa pagmamahal, tiwala at
respeto na pwede mong ibigay sa taong mahal mo, gusto ko yun ilaan sa kanya,
ang isa sa mga bagay na pinaka importante para sakin at yun ang oras at
atensyon ko na alam ko noon na hindi ko mabibigay para sa taong mamahalin ko
ulit. Pero madalas naisip ko paano kaya kapag nakita ko na siya ang babaeng
mamahalin ko, magiging masaya ba? Mawawala nga ba ang lumbay at sakit na
naramdaman ko, madalas ko yun isipin lalo na kapag musika lang ang madalas kong
kasama at pinapakinggan. Simple lang naman ang gusto ko yun at ang oras na
kapag kinailangan na ang atensyon ng bawat isa, iingatan ko siya at iingatan
niya din ako, hindi man lagi kami magkasama, basta hindi makakalimutan ang mga
salitang binitawan para sa isat isa, hindi niya pagseselosan ang ibat ibang
bagay, dahil alam niyang hindi ko siya ipagpapalit sa mga maliliit na bagay na
to, pinagkakatiwalaan ko siya at pinagkakatiwalaan niya din ako, malayo man o
malapit ang distansya namin sa isat isa, at hindi ito magiging dahilan para
mabawasan ang pagmamahal na inilalaan naming para sa bawat isa, hindi kami
magmamadali, at sa halip gagamitin naming ang bawat oras para gumawa ng mga
masasayang alala, ang bawat araw na kami ay magkasama.
Maging ok lang lahat at makuntento sa
mga bagay na meron at haharapin nmeng dalawa ngayon, dahil para sakanya at para
sa akin mas importante na napapasaya naming ang isat isa, sa piling ko at sa
piling niya. Kahit sa mga simpleng bagay lang na ginagawa naming dalawa, at
magkaroon ng maraming dahilan para maging masaya sa isat isa, sabihin man ng
iba na mababaw at korni ang kaligayahan naming dalawa, wala naman silang ideya
kung anu ang dulot at saya ang nararamdaman nito para sa aming dalawa, habang
binubuo naming ang mundo ng bawat isa na kahit may kasamang lungkot takot at
pangamba. Hindi na ako maghahangad ng mga bagay na alam kong imposible ang
makasama lang siya at masami kung akin ay sapat na para magkaroon ng maraming
kagustuhan.
Gusto kong ikaw ang Makita ko sa
pag-gising ko, gusto kong ikaw ang makayakap bago at pagkatapos ng pagtulog ko,
gusto kong kumain at exactly 7:00 o’clock am na ikaw ang kaharap ko, gustong
kong asarin ka kapag wala akong magawa, gusto kong kulitin ka araw araw at
bigyan ka ng matamis na halik at ibubulong sayo kung ganu kita kamahal, I want to be you’re sweetheart, babes, honey,
darling, boyfriend, friend, heart and life, I have to look at you every day of
my daily life, ilang oras na daydreaming habang iniisip at nakangiti ka, maging
dahilan ng pagtawa at pagpikit ng mga mata ko. I want to spend my holidays with
you, maging dahilan ng galit pagseselos at pag kilig mo. Gusto kong maging
dahilan ng araw araw mo. I want to make love you in night with cuddle love, to
kiss your chick neck nose and lips having a good life being with you, romance
every night and bringing happiness to my life, gusto kong magsulat na ikaw ang
dahilan, at maging dahilan ng lahat ng oo at hindi ko. Madami akong gustong
gawin na ikaw ang kasama ko, kumain, kumanta, maglaro bumyahe, at manood ng
kung anu-anu. Is this too much? Ang maghangad at gustuhin ka ng sobra sobra?
Kung too much wala na ako pakialam dun, bsta gusto kong gawing sobra lahat
atleast hindi kulang. Gusto ko maglakad na hawak ang kamay mo, halikan ka
habang nasa ilalim ng puno ng mangga, santol, saging at bayabas, gusto ko
ngumiti habang ginagawa ko to para sayo, gusto kong chansingan ka at gusto kong
pangarapin ka. Gusto kong maramdaman lahat ng to kasama mo, gustong maging dahilan
ng panggiti at kasiyahan mo, at gusto kong mahalin ka ng higit pa sa inaakala
mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento