May nakilala ka na bang isang taong nagpabago ng takbo ng
buhay mo? Yung mga bagay na kinasayanan mo ng gawin noon na ngayon ay hinayaan
mong mabago ng dahil sa taong yun. Hindi dahil sa pinilit mo lang na mabago ang
sarili mo, kundi hinayaan mong mabago niya ang tulad mo ng hindi mo nalalaman. May
mga bagay na gusto mo ng kalimutan at gumawa ng mga bagong masasayang bagay
kasama siya, na ang bawat oras na ginugugul mo sakanya ay ang oras na gusto
mong tumigil para hayaan mo nalang siyang makasama. Yun bang kapag pinikit mo
ang mga mata mo, mukha mo ang nakikita niya, yung ngiti na nakakahawa, ngiting
nakakabaliw, at ngiting ayaw mong mawala sa paningin mo. Yung taong gustong mong hawakan ang mukha o
pisnge nia para malaman kong anung hugis nito, ung ibibilog mo sa mga palad mo
para kapag nagkahiwalay kayo pakiramdam mo hawak hawak mo pa ang mukha niya, na
kapag nakikita mo siya papalapit palang sayo ibayong ngiti na ang sayang
nadarama.
May mga tao ka na bang nakilala, at taong ginusto mo ng
makasama, gusto mong humiling na araw araw na sana nandiyan siya at wag na wag
siyang mawawala sayo, kasi kapag nangyari yun pakiramdam mo napakadilim ng
mundo kahit may araw naman, parang antahimik kahit maingay naman ang paligid
mo, parang ayaw mo ng ipagpatuloy ang mga ginagawa mo kasi alam mo namang
parang wala na kwenta ang mga bagay na ginagawa mo. Oh pwede kong itanung sayo
may isang tao ka na bang nakilala? Na gusto mong ibuhos ang buong atensyon at
buong oras mo, na kahit mawala man siya sayo wala kang pagsisisihan kasi alam
mong nakaramdam ka ng pagbabago sa buhay mo, ginusto mong kausapin ang mga taong naglalakad at
magkunwaring lasing para banggitin ng paulit na ulit na mahal mo ang taong toh
habang naglalakad kayo ng sabay, maramdaman na nag iiba ang tibok ng puso mo
kapag katabi mo na siya, ung parang tunog ng mabilis napag tampol galling sa
mga fans na nanonood ng basketball, nakaka dagundung na pakiramdam. Gusto mung
sumigaw, gusto mong tumawa ng malakas, gusto mong tumakbo ng may kasamang tawa
at ngiti na nadarama kapag nakakasama mo siya, nakakabaliw, nakakatanga.
Sa bawat takbo ng nararanasan ko isa eto sa mga natutunan
ko, kung talagang mahal tayo ng isang tao. Hindi nila tayo bibitiwan lalo na sa
napakasimple at walang kwentang dahilan, At kung mahal mo ang isang tao
hahayaan mo siyang baguhin ka niya kung alam mo namang makakabuti sayo at para
sainyong dalawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento