Simple lang naman
Ano ng aba ang unang hinahanap ng lalaki sa isang
babae? Una sa lahat maganda, sexy, mayaman. Yung sikat syempre, talented, yung
may kulay ang buhok, yung hindi normal ang balat sa sobrang puti, oo nung una ganyan
ang hinahanap ko. Hanggang sa nakahanap nga ako, maganda sexy, mayaman, sikat
at maputi nga! Hindi naman kami mag kasundo, puro away-bati tapos ung ugali
niya ammmm basta.
Hanggang sa
natauhan ako, hindi pala ganun ang hinahanap at pangaraping kapareha. Sabi nga
isang libro kong nabasa, there are so many fish in the ocean, tatlo, lima,
sampung taon sa hinaharap. Mag iiba ang pamantayan mo, at maiisip mong di pala
tama ang pumili ng kapareha, dahil lang sa kaboses niya c taylor swift? O magaling
siyang humalik? Totoong mas importante ang kalooban ng tao, higit anuman. At hindi
kayang bilhin ng yaman ang kasiyahan na dulot ng pagmamahal na hanap mo.
Sa paglipas ng panahon maging ang crush ng
bayan sa eskwelahan, e magmumukha ring
pandesal, sumasang ayon ako sa nabasa
kong yun. Simple lang naman ang gusto kong babae, una sa lahat Mahal ko, at
syempre dapat mahal din ako, yung mabait at aalagaan ako, kahit hindi masyadong
masipag magsabi ng I love you, pero kapag binitawan niya naman kakaibang kilig
ang nabibigay nito, yung maganda, maganda ang kalooban ha, pero bonus na kung
maganda nga talaga, yung masiyahin, madaldal, maingay at matakaw na mahilig sa
madami at ibang ibang klaseng pagkain, pero nasa lugar naman, yung hindi
nauubusan ng kwento kapag kasama ang mga kaibigan niya, at napakaingay sa loob
ng sinehan o kahit saan pa kapag magkakasama sila, yun bang makapal ang mukha,
yung tipong hindi ka maboboring kapag kasama siya. Kasi sa totoo lang nakakaboring
akong kasama o kausap e.
Gusto ko din pala yung walang arte sa katawan,
pero napakatagal sa pagiikot sa department store, para madalas ko siyang tignan
at panoorin, ayoko din sana ng may lipstick at makeup, pero ok lang din naman
kung minsan, yung madali kong mamiss, yung tipong kakahiwalay niyo palang eh miss
ko na agad, ganun kasi ako. Gusto ko din yung tatanuning lagi kong nasaan ka? Kumain
ka na ba? Yung sasabihin sayo laging ingat ka ah, yung gustong pagpalitin ako
ng simcard dahil nagseselos siya sa mga nagtetext sakin, yung gusto niya dalawa
lang kaming nakakaalam sa number ko bukod sa mga importanteng contacts na meron
ako, yung talagang magloload siya para matext ako kung kamusta na ako. Yung pag nag-away na kami, hindi niya aq matitiis
at magsosorry siya dahil takot na magalit ako. Na sasabihin ako ang mahal niya
at ako lang ang mahal niya, yung kahit makatulog na siya habang magkatext
kaming dalawa.
Yung hahalikan ako ng madami at sasabihan din ako
ng madaming I love you, at sasabihing matulog ka na din ha?! Yung walang arteng
halikan at yakapin ako, kahit pawis at mabaho pa ako, yung araw araw akong
pinagsasabihan dahil sa mga bisyo ko, at pipiliting pigilan.
Tanggap niya kung anu at kung sino ako, kasi alam
niyang dapat niya munang mahalin at tanggapin yung mga mali ko, bago niya
mahalin ang isang tulad ko, at kung may humahanga man sa kagalingan ko, tanggap
at susuportahan niya din ako sa kahinaan ko.
Yung hindi
ako ipagpapalit kahit kaninung pogi, cute, gwapo at talented na parang kamukha
ni Coco martin at Daniel Padilla, yung para sakanya ako ang pinakagwapo kahit
mukha pa akong kwago.
At siyempre ang importante sa lahat, yung solid na
pagtitiwala at higit anu pa man yung brutal na pagmamahal, na kahit malayo kami
sa isat isa alam niyang mahal na mahal ko siya at kahit distansya pa ang
pagitan magkahawak kaming dalawa hanggang sa magkasama kami sa tamang panahon.
Basta saming dalawa meron kami yung walang sawang pag-uunawaan un bang nurse na
pag aalaga at engineer na pag aayos nga sirang kalsada at istraktura.
At sa pag-lipas ng panahon alam ko hawak ko na ang
babaeng ginusto ko, hindi ko na kailangan maghangad ng mas higit pa o mas gugustuhin
pa kasi para sakin yung babaeng nagbabasa nito sapat na para sa pagmamahal na kaya kong ibigay at
ilaan para sakanya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento