Lunes, Enero 6, 2014

Sana....

Nakaramdam ka na ba ng takot? Yung para lang mapatunayan mong mahal mo siya. Yun ung takot na ayaw mo siyang mawala sayo, na gugustuhin mung isuko lahat ng bagay para lang sa tong gusto mo sa taong mahal mo, kasi alam mo sa sarili mo na hindi lahat ng taong nakikilala mo eh ayaw mong mawala sayo. Minsan kasi may mga taong darating sa buhay mo na akala mo wala lang, na akala mo hindi sila mahalaga sayo, yung akala mo mananatili nalang silang bahagi ng nakaraan mo. Pero pagdating ng panahon at habang tumatakbo ang mga oras at araw, namamalayan mo nalang na hinahanap hanap mo na siya. Tapos tatanungin mo sa sarili mo, kamusta na kaya siya?  Sana sinubukan ko noon, baka masaya kami ngayon, ok sana kami ngayon dba? Pero yun pala sila pala yung mga taong takot kang mawala sayo at hahangarin mong makasama at Makita ulit at maitama ang mga hindi mo nagawa noon para sa taong yun. At dumating yung araw na susubukan mo na siyang pigilan, at gagawin ang lahat para hindi na pakawalan pa. kasi darating yung araw na ipaparamdam mo sakanya na mahalaga siya para sayo na worth it ka para sa pag-ibig at pagmamahal na gusto mong ilaan niya para sayo at gusto mong sabihin sa kanya na hindi  mo siya iiwan kahit anung mangyari hindi katulad ng iba sakanya.

Dumating ako sa pagkakataon na ok lang ako sa mga bagay at pagkakataon na ngyari as long as masaya  ako sa nararamdaman ko at masaya siyang nararanasan ang kasama ako, pero bakit ganun hindi ko maiwasang matakot at malungkot kasi may mga bagay akong ayaw na mangyari pero dapat pading harapin. Mahalaga naman kasi masaya ako kasi kahit papano yung mga bagay na hinangad ko at pinapangarap kong isipin ay natupad at ngyari kahit panandalian lang. alam ko sa sarili ko ang mga posibilidad na mgyayari, alam ko na baka balang araw magsawa siya, iwan niya aq, hindi na niya ako mamahalin o ang magsawa siyang intindihin ako.

Pero sa kabila ng lahat ng ito naniniwala padin akong hndi mgyayari yun, natatakot ako para sa mga susunod pang mgyayari sa mga susunod pang mga taon, kasi nakakaramdam din ako ng pagkataon sa pagkakataon na toh. Masaya ako sa moment na kasama ko yung taong gusto ko yung taong mahal ko, yung tipong kahit masaktan ako sa huli at least naging masaya ako kasama ng taong mahal ko, atleast diba? May taong dumating sa buhay ko, na tinanggap ako minahal ako, at pinahalagahan ako na alam kong masakit kapag nawala talaga siya sakin. Pero sa huli pinagpapasalamat ko padin ang pagdating niya sa buhay ko.

Sa totoo lang hindi naman nakakapagod magmahal eh, hindi rin naman ako natatakot masaktan. Kung eto lang naman ang paraan para makuha ko siya at maramdaman niya ang halagang dulot ng sayang nararamdaman ko. Ginawa ko lang naman ang alam kong tama ang alam kong mahalin siya, ang mahalin ng mahalin ng mahalin . 

Isa ka ba?

May nakilala ka na bang isang taong nagpabago ng takbo ng buhay mo? Yung mga bagay na kinasayanan mo ng gawin noon na ngayon ay hinayaan mong mabago ng dahil sa taong yun. Hindi dahil sa pinilit mo lang na mabago ang sarili mo, kundi hinayaan mong mabago niya ang tulad mo ng hindi mo nalalaman. May mga bagay na gusto mo ng kalimutan at gumawa ng mga bagong masasayang bagay kasama siya, na ang bawat oras na ginugugul mo sakanya ay ang oras na gusto mong tumigil para hayaan mo nalang siyang makasama. Yun bang kapag pinikit mo ang mga mata mo, mukha mo ang nakikita niya, yung ngiti na nakakahawa, ngiting nakakabaliw, at ngiting ayaw mong mawala sa paningin mo.  Yung taong gustong mong hawakan ang mukha o pisnge nia para malaman kong anung hugis nito, ung ibibilog mo sa mga palad mo para kapag nagkahiwalay kayo pakiramdam mo hawak hawak mo pa ang mukha niya, na kapag nakikita mo siya papalapit palang sayo ibayong ngiti na ang sayang nadarama.

May mga tao ka na bang nakilala, at taong ginusto mo ng makasama, gusto mong humiling na araw araw na sana nandiyan siya at wag na wag siyang mawawala sayo, kasi kapag nangyari yun pakiramdam mo napakadilim ng mundo kahit may araw naman, parang antahimik kahit maingay naman ang paligid mo, parang ayaw mo ng ipagpatuloy ang mga ginagawa mo kasi alam mo namang parang wala na kwenta ang mga bagay na ginagawa mo. Oh pwede kong itanung sayo may isang tao ka na bang nakilala? Na gusto mong ibuhos ang buong atensyon at buong oras mo, na kahit mawala man siya sayo wala kang pagsisisihan kasi alam mong nakaramdam ka ng pagbabago sa buhay mo, ginusto mong  kausapin ang mga taong naglalakad at magkunwaring lasing para banggitin ng paulit na ulit na mahal mo ang taong toh habang naglalakad kayo ng sabay, maramdaman na nag iiba ang tibok ng puso mo kapag katabi mo na siya, ung parang tunog ng mabilis napag tampol galling sa mga fans na nanonood ng basketball, nakaka dagundung na pakiramdam. Gusto mung sumigaw, gusto mong tumawa ng malakas, gusto mong tumakbo ng may kasamang tawa at ngiti na nadarama kapag nakakasama mo siya, nakakabaliw, nakakatanga. 

Isa ka ba sa mga taong nakaranas ng mga gantong pakiramdam. Kasi ako? Kung tatanungin mo ako oo nakaranas na ako ng gantong pakiramdam. Ilang beses? Siguro marami na, pero para kasi sakin ibat ibat klaseng saya ang mararamdaman mo kapag kasama ang taong mahal at gusto mo, lahat yun espesyal lahat un may kaakibat na responsibilidad at sayang nadarama, pero hindi mo na maihahalintulad ang panibagong sayang nadarama sa taong nagpabago at ginusto mo ng makasama, nakakakilig, at talagang masaya.Lahat naman tayo pwede maging masaya kahit walang minamahal. Ang mahalaga, may taong handang maglaan ng oras para pasayahin ka, yung walang demand at handang maghintay, kahit hindi mo pa alam ang kalalabasan nito, basta mahalaga lang iniisip mo ang mga magagandang mgyayari mapabukas man at sa mga susunod pang mga araw at taon na kasama siya, ganun kasi ako, ang gusto ko para sa taong mahal ko, at sa aming dalawa.

Sa bawat takbo ng nararanasan ko isa eto sa mga natutunan ko, kung talagang mahal tayo ng isang tao. Hindi nila tayo bibitiwan lalo na sa napakasimple at walang kwentang dahilan, At kung mahal mo ang isang tao hahayaan mo siyang baguhin ka niya kung alam mo namang makakabuti sayo at para sainyong dalawa.
                       

Linggo, Enero 5, 2014

Simple lang naman

Ano ng aba ang unang hinahanap ng lalaki sa isang babae? Una sa lahat maganda, sexy, mayaman. Yung sikat syempre, talented, yung may kulay ang buhok, yung hindi normal ang balat sa sobrang puti, oo nung una ganyan ang hinahanap ko. Hanggang sa nakahanap nga ako, maganda sexy, mayaman, sikat at maputi nga! Hindi naman kami mag kasundo, puro away-bati tapos ung ugali niya ammmm basta.

 Hanggang sa natauhan ako, hindi pala ganun ang hinahanap at pangaraping kapareha. Sabi nga isang libro kong nabasa, there are so many fish in the ocean, tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap. Mag iiba ang pamantayan mo, at maiisip mong di pala tama ang pumili ng kapareha, dahil lang sa kaboses niya c taylor swift? O magaling siyang humalik? Totoong mas importante ang kalooban ng tao, higit anuman. At hindi kayang bilhin ng yaman ang kasiyahan na dulot ng pagmamahal na hanap mo.

Sa paglipas ng panahon maging ang crush ng bayan  sa eskwelahan, e magmumukha ring pandesal, sumasang ayon ako sa  nabasa kong yun. Simple lang naman ang gusto kong babae, una sa lahat Mahal ko, at syempre dapat mahal din ako, yung mabait at aalagaan ako, kahit hindi masyadong masipag magsabi ng I love you, pero kapag binitawan niya naman kakaibang kilig ang nabibigay nito, yung maganda, maganda ang kalooban ha, pero bonus na kung maganda nga talaga, yung masiyahin, madaldal, maingay at matakaw na mahilig sa madami at ibang ibang klaseng pagkain, pero nasa lugar naman, yung hindi nauubusan ng kwento kapag kasama ang mga kaibigan niya, at napakaingay sa loob ng sinehan o kahit saan pa kapag magkakasama sila, yun bang makapal ang mukha, yung tipong hindi ka maboboring kapag kasama siya. Kasi sa totoo lang nakakaboring akong kasama o kausap e.

Gusto ko din pala yung walang arte sa katawan, pero napakatagal sa pagiikot sa department store, para madalas ko siyang tignan at panoorin, ayoko din sana ng may lipstick at makeup, pero ok lang din naman kung minsan, yung madali kong mamiss, yung tipong kakahiwalay niyo palang eh miss ko na agad, ganun kasi ako. Gusto ko din yung tatanuning lagi kong nasaan ka? Kumain ka na ba? Yung sasabihin sayo laging ingat ka ah, yung gustong pagpalitin ako ng simcard dahil nagseselos siya sa mga nagtetext sakin, yung gusto niya dalawa lang kaming nakakaalam sa number ko bukod sa mga importanteng contacts na meron ako, yung talagang magloload siya para matext ako kung kamusta na ako.  Yung pag nag-away na kami, hindi niya aq matitiis at magsosorry siya dahil takot na magalit ako. Na sasabihin ako ang mahal niya at ako lang ang mahal niya, yung kahit makatulog na siya habang magkatext kaming dalawa.

Yung hahalikan ako ng madami at sasabihan din ako ng madaming I love you, at sasabihing matulog ka na din ha?! Yung walang arteng halikan at yakapin ako, kahit pawis at mabaho pa ako, yung araw araw akong pinagsasabihan dahil sa mga bisyo ko, at pipiliting pigilan.

Tanggap niya kung anu at kung sino ako, kasi alam niyang dapat niya munang mahalin at tanggapin yung mga mali ko, bago niya mahalin ang isang tulad ko, at kung may humahanga man sa kagalingan ko, tanggap at susuportahan niya din ako sa kahinaan ko.

Yung hindi ako ipagpapalit kahit kaninung pogi, cute, gwapo at talented na parang kamukha ni Coco martin at Daniel Padilla, yung para sakanya ako ang pinakagwapo kahit mukha pa akong kwago.

At siyempre ang importante sa lahat, yung solid na pagtitiwala at higit anu pa man yung brutal na pagmamahal, na kahit malayo kami sa isat isa alam niyang mahal na mahal ko siya at kahit distansya pa ang pagitan magkahawak kaming dalawa hanggang sa magkasama kami sa tamang panahon. Basta saming dalawa meron kami yung walang sawang pag-uunawaan un bang nurse na pag aalaga at engineer na pag aayos nga sirang kalsada at istraktura.

At sa pag-lipas ng panahon alam ko hawak ko na ang babaeng ginusto ko, hindi ko na kailangan maghangad ng mas higit pa o mas gugustuhin pa kasi para sakin yung babaeng nagbabasa nito sapat  na para sa pagmamahal na kaya kong ibigay at ilaan para sakanya.

Huwebes, Enero 2, 2014

Mananatili akong kuntento

Sa sobrang dami kong ginagawa, at sa sobrang dami kong gustong gawin wala na akong panahon noon para magkaroon ng dahilan para sumaya gusto ko nalang sana maging normal ang lahat, tropa ang madalas kong kasama, inum dito inum doon lalo na at kaliwat kanang gimik , tanong ng sakin ng iba, bakit? Hindi mo ba kailangan pagsabayin ang relasyon at ang mga interesanteng bagay na gusto mong gawin? Sagot ko? Hindi pa, pero sa totoo lang ayoko magmadali para kasi sakin bukod sa pagmamahal, tiwala at respeto na pwede mong ibigay sa taong mahal mo, gusto ko yun ilaan sa kanya, ang isa sa mga bagay na pinaka importante para sakin at yun ang oras at atensyon ko na alam ko noon na hindi ko mabibigay para sa taong mamahalin ko ulit. Pero madalas naisip ko paano kaya kapag nakita ko na siya ang babaeng mamahalin ko, magiging masaya ba? Mawawala nga ba ang lumbay at sakit na naramdaman ko, madalas ko yun isipin lalo na kapag musika lang ang madalas kong kasama at pinapakinggan. Simple lang naman ang gusto ko yun at ang oras na kapag kinailangan na ang atensyon ng bawat isa, iingatan ko siya at iingatan niya din ako, hindi man lagi kami magkasama, basta hindi makakalimutan ang mga salitang binitawan para sa isat isa, hindi niya pagseselosan ang ibat ibang bagay, dahil alam niyang hindi ko siya ipagpapalit sa mga maliliit na bagay na to, pinagkakatiwalaan ko siya at pinagkakatiwalaan niya din ako, malayo man o malapit ang distansya namin sa isat isa, at hindi ito magiging dahilan para mabawasan ang pagmamahal na inilalaan naming para sa bawat isa, hindi kami magmamadali, at sa halip gagamitin naming ang bawat oras para gumawa ng mga masasayang alala, ang bawat araw na kami ay magkasama.
Maging ok lang lahat at makuntento sa mga bagay na meron at haharapin nmeng dalawa ngayon, dahil para sakanya at para sa akin mas importante na napapasaya naming ang isat isa, sa piling ko at sa piling niya. Kahit sa mga simpleng bagay lang na ginagawa naming dalawa, at magkaroon ng maraming dahilan para maging masaya sa isat isa, sabihin man ng iba na mababaw at korni ang kaligayahan naming dalawa, wala naman silang ideya kung anu ang dulot at saya ang nararamdaman nito para sa aming dalawa, habang binubuo naming ang mundo ng bawat isa na kahit may kasamang lungkot takot at pangamba. Hindi na ako maghahangad ng mga bagay na alam kong imposible ang makasama lang siya at masami kung akin ay sapat na para magkaroon ng maraming kagustuhan.

Gusto kong ikaw ang Makita ko sa pag-gising ko, gusto kong ikaw ang makayakap bago at pagkatapos ng pagtulog ko, gusto kong kumain at exactly 7:00 o’clock am na ikaw ang kaharap ko, gustong kong asarin ka kapag wala akong magawa, gusto kong kulitin ka araw araw at bigyan ka ng matamis na halik at ibubulong sayo kung ganu kita kamahal,  I want to be you’re sweetheart, babes, honey, darling, boyfriend, friend, heart and life, I have to look at you every day of my daily life, ilang oras na daydreaming habang iniisip at nakangiti ka, maging dahilan ng pagtawa at pagpikit ng mga mata ko. I want to spend my holidays with you, maging dahilan ng galit pagseselos at pag kilig mo. Gusto kong maging dahilan ng araw araw mo. I want to make love you in night with cuddle love, to kiss your chick neck nose and lips having a good life being with you, romance every night and bringing happiness to my life, gusto kong magsulat na ikaw ang dahilan, at maging dahilan ng lahat ng oo at hindi ko. Madami akong gustong gawin na ikaw ang kasama ko, kumain, kumanta, maglaro bumyahe, at manood ng kung anu-anu. Is this too much? Ang maghangad at gustuhin ka ng sobra sobra? Kung too much wala na ako pakialam dun, bsta gusto kong gawing sobra lahat atleast hindi kulang. Gusto ko maglakad na hawak ang kamay mo, halikan ka habang nasa ilalim ng puno ng mangga, santol, saging at bayabas, gusto ko ngumiti habang ginagawa ko to para sayo, gusto kong chansingan ka at gusto kong pangarapin ka. Gusto kong maramdaman lahat ng to kasama mo, gustong maging dahilan ng panggiti at kasiyahan mo, at gusto kong mahalin ka ng higit pa sa inaakala mo.

Mananatili akong kuntento sa piling mo, habang hinihintay ang tamang panahon na makakasama ka, at kapag dumating na to hahawakan natin ang kamay ng bawat isa at haharapin ang bawat problema na merong kasamang ngiti na nararamdaman, alam kong hindi magiging madali ang lahat, pero kapag kasama kita at magkakasundo sa mga plano nating dalawa hindi imposibleng makamit ang munting pangarap na pinakaasam ng kahit na sinuman, walang imposible kung gugustuhin,  hindi man maging perpekto ang relasyon nating dalawa, o makarinig man kami ng panghuhusga sa iba, basta ang mahalaga meron kami na wala ang iba, at yun ang isat isa.

Physics Formula

Mapungay ang mata, May titig na nagsasabing nakakatuwa ka, ilang buwan nadin kaming tumambay, ilang buwan na kung anu-anung stubs ang ginagawa naming dalawa, lakad dito, lakad dun, kain dito, at kain dun, tawanan d2, ngiti diyan, asaran dito at asaran doon, ilang buwan din niyang sinuklian ng matamis na ngiti lahat ng yun. Ang mga pinag gagawa ko, mga kalokohan at kakornihan ilang buwan lang nararamdaman kung ito na yun, inoorasan ba ang love? At syempre hindi magiging kami kung hindi sasabihin ang salitang mahal kita.

Ang pag-ibig parang pag bibike masesemplang ka muna bago ka matuto, pero paano mo matutunan kung takot kang subukan. Alam ko napapasaya ko siya kapag sinasabihan ko siya ng I love you, panu ko nasabe? Kasi nirereplyan nya aq ng hehe, haha, smiley, at sa huli babanggitin niya din ung salitang I love you too. Sobrang saya niya kasama, nakakabobong saya, ansarap din nyang isipin, nakakatalinong isipin, hindi niya siguro alam na parang physics formula ang nararamdaman ko sakanya, There is no “FORCE” greater than love, even peer  “PRESSURE”, pati “ACCELERATE” ng “HEAT” na nararamdaman ko ay hindi ko mapigilan dahil sa pagtibok ng puso ko para sakanya.

Simula ng minahal ko siya hindi ko na iniisip ang iniisip niya, gusto ko lang maramdaman niya na mahal ko siya, na sincere ang nararamdaman ko para sakanya, at malinis ang intensyon ko, kasi alam ko kapag napakita at naparamdam ko sakanya yun alam ko buong buo niya akong mamahalin. Hindi ko napapansin ang oras kapag katext ko siya, lalo na kapag kasama ko siya, at hindi ko napapansin ang tunog ng paligid ko at lakad ng mga tao at reaksyon ng mga mukha nila kapag nakikita ko na nakangiti na siya, bago pa pala ako nagtapat sakanya ng nararamdaman ko, nasabi ko na ang mga salitang to, Hayy naku may pag-asa ba ako? Kung sasabihin niyang oo, maghihintay ako, kung hindi hahayaan ko siyang makitang masaya dahil ok n akong naramdaman kong mahal ko siya kahit pa sabihin niyang hindi niya ako trip. Hindi ko kasi alam kung anung gusto niya e, ako kasi ung tipo ng lalaking makulit, malakas mang asar, at hindi torpe at syempre may pag kamaangas sbe nga nila badboy men.

Sobrang laki ng pagmamahal, sobrang lawak na kahit sinu pwede tamaan, actually hindi mo pa nga namamalayan at maamin sa sarili mong mahal mo na siya, parang ako hindi ko inamin sa sariling kong mahal ko na pala siya noon kahit sa litrato ko lang siya tinitignan, ng makilala ko siya, madaminng akala na alam kong mali pala, akala ko noon malakas ako pero mahina pala, akala noon matapang ako pero duwag pala kasi ginagawa ko lang yun dahil hindi ko kayang sabihin ang totoong nararamdaman ko, hinahayaan ko yung ibang tao na gustuhin at mahalin siya kasi natatakot ako na baka masaktan ko lang siya, ganito pala talaga ang pakiramdam, nakakatakot, nakakatorpe, nakakapang-hina, kasi totoo ung nararamdaman mo .

Martes, Enero 22, 2013

FAIRYTALE ROMANCE

My feelings are growing stronger and stronger every day. You confide in me. That melts me inside. No one has ever in my life talked to me about their hurts and sorrows and I love that.

We both have gone through so much, and I feel like I relate to you on a much higher level than I have ever felt before. We have the same interests and the same likes. I know I am a person that needs gratification, and you seem to fulfill my needs in every way.
I think that if we take our time and do everything right, this love could blossom into a fairytale romance.

All I ask - and I know I have said it before – is that you be true to me and be true to yourself. I have put all my trust in you, and I have opened every fiber of my being to you and only you. I also said I don't care about looks or money, granted they are nice things, but I am after a love that will give me a reason to breathe.

I want you as my future wife in my life, someone to hold, confide in, laugh with, cry with; someone I can watch movies with, fish with, walk along the beach at night with. I want it. I deserve it, as do you. I sincerely hope that you feel the same as I do about you.
You are beautiful, you leave me speechless, you turn tears into happy bliss, you make bad things seem not so bad. You astonish me and you brighten every aspect of my life.

Like you said, it’s amazing that we’ve grown so close in such a short amount of time. The feelings blossomed rapidly and I don't want to lose that. I have fallen madly in love with you. You are everything and more than what I have dreamed of my entire life. You would make me happier than the richest person in the world by sharing your love with me.
I know I am not perfect, but I do have goals in my life.

I am honest, sincere, and true, and I have a lot of love to give if you are willing to be on the receiving end. Please take this to heart, Baby; I love you.
I know that they say absence makes the heart grow fonder. I go to bed with tears every night waiting for the moment I can hear from you. I don't know this feeling - I have never experienced it. I want you by my side. I could never get tired of being near you whether on the phone, through emails or talking in person. I missed you more than words can say. I genuinely love you.

MAGHINTAY

Sbe ng isang bata sa kanto... " MHIRAP MGHINTAY SA TAONG MAHAL MO,, PERO MAS MAHIRAP MAGHINTAY SA TAONG HNDI BABALIK" well 22o nga nmn aq nand2 aq sa situation n magkalayo kme ng taong mahal ko.. pero khit hndi nia aq balikan aus lng yun ang mahalaga u made ur promise n maghhntay sknya wala ng kaso un nasasakanya nalng un qng babalikan k nia dba??? Guys always remember pede k magpahinga kong napapagod ka na.,. pero ang puso kaya niang mghintay khit nsasaktan k na... wag ka mwalan ng pag asa ang pag ibig dumarating yan sa tamang panahon at sa tamang oras..

pareparehas lng tyung ngmamahal at nasasaktan... Mahalaga d2 ay marunong tyung mgmahal at mag appreciate ng gngwa ng isang tao.. hindi laro ang pag ibig isa itong sugal,, bahala na qng matalo ang mahalaga wala kang pag sisihan sa mga ggwin mu...