Miyerkules, Abril 4, 2012

I CRY BECAUSE I LOVE YOU

“Irish yun nanaman si Robin isnebero oh !” si Jessica yun, napagtripan nanaman si Robin.


Si Robin, classmate namin sya pero kahit isa sa mga kaklase naming wala syang pinapansin o kinakausap, lagi lang syang magi sa, tahimik lang, at tuwing matatapos ang klase umuuwi agad sya, laging nagmamadali, isnabero nga yan eh, tuwing may kakausap dyan di nya pinapansin, mga teacher lang naming ang nakakakausap dyan, kahit isang beses di pa namin nakitang ngumiti yan. Kaya lagi syang tinutukso pero parang wala lang sa kanya. Lagi syang umiiwas sa mga tao. Minsan nga naisip namin baka bampira sya kasi ang puti nya, matangkad at gwapo, parang bampira,pero imposibleng mangyari yun.



“Hayy naku Jessica wag kayong ganyan baka kagatin kayo nyan.” Tapos nagtawanan na kami. Laging ganito ang nangyayari.



Isang araw napagtripan naming na kauasapin si Robin kaso walang gusting lumapit, lima kaming babaeng magkakaibigan na laging pinagtitripan si Robin. At sa huli, wala, ako ang napili, ako daw kasi magaling sa ganitong bagay, kasi daw “playgirl” ako, at aminado ako dun, kaya wala akong nagawa, lumapit na ko sa kanya nung uwian pero nagmamadali sya kaya hinarang ko sya, nakatingin samin ngayon yung mga kaibigan ko.


“Robin! Sandali lang.”


Nagulat sya nung hinarang ko sya.

Tumingin sya sakin. Tapos mahina nyang sinabi


“Bakit?” sobrang hinhin naman nito, pero nagulat ako kasi sumagot sya.


“Pwede ka bang managing kaibigan?” tapos nginitian ko sya tapos inabot ko yung kamay ko para sa shakehands.

Kaso inalisan ako. Nagtawanan tuloy yung mga kaibigan ko. Pinahiya nya ako. Nung araw na yun, napagdesisyunan ko na di ko sya titigilan hanggang sa kausapin nya ko, araw araw ko syang hinaharang pero walang nangyayari, siguro 2 linggo na ang nakalipas na puro ganun ang ginagawa ko.


“Hey Irish! Talagang kinakarir mo yan hah, may gusto na ata dun eh” si Mara yun, yung pinakaclose ko sa aming magbabarkada.


“Alam mo te, di ko titigilan yang si Robin hanggang sa kausapin nya ko.” Sabi ko sa kanya.


“Sige ang, kaya mu yan.”


Tapos nagtawanan sila, habang ako iniisip ko kung pano ko magagawa yun.

Kaya nung uwian na di ko sya hinarang kasi kung gagawiwn ko yung dededmahin nanaman nya ko.


Kaya sinundan ko nalang sya.


Medyo malayo na kami sa school naming, siguro napansin nya na may sumusonod sa kanya, kaya huminto sya, dali dali naman akong lumapit sa kanya.


“Hello Robin !” masiglang batik ko sa kanya.


“Irish?” ang galing kilala nya ako.


“Oo, ako nga, kilala mo pala ko” sabi ko sa kanya.


“Malamang kaklase kita eh.”


“Oo nga naman.”


“Bakit mo ba ako sinusundan?!” tanong nya na parang nagmamadali sya.


“Gusto lang kasi kitang makausap at maging kaibigan na rin.”


“Bakit ?” tanong nya.


“Syempre para Masaya.” Tapos nginitian ko sya.


“ahh” ang ikli nya ssumagot.


“So friends na tayo?” sabi ko.


“Sige” tapos nagshakehands kami.


Pagkatapos nun parang sobrang tuwa ang naramdaman ko.


“Pwede ba tayong mag usap? Hmm yung tayong dalawa lang.”


“Sige.”


“Talaga?” nabigla ako kasi pumayag sya.


“Oo nga.”


“O sige sa Sunday, 1 pm.”
“Sige.saan?”


“Akin na cellphone number mo. Itetext ko nalang sayo kung saan.”


Tapos binigay nya cellphone number nya.


“Ayan na, sige una na ko, bye”


“Sige bye.”


Tapos umalis na agad sya, para talaga syang nagmamadali eh.


Kinabukasan sinabi ko kaagad sa mga kaibigan ko yung nangyari, nagulat sila, hindi silamakapaniwala na magagawa ko yun.


Myerkules ngayon, kaya may pasok kami, pagkatapos kong ikwento sa mga kaibigan ko ang nangyari, lumapit ako kay Robin, sa likod sya nakaupo. Kakausapinn ko sana sya kaya lumapit ako.

“Hi Robin, kamusta ka na?” di sya sumagot, nagsulat lang sya sa papel tapos inabot nya sakin.

Ang nakalagay ay eto.

“sa Linggo na tayo mag usap,pangako maggsasalita ako, pero wag muna ngayon. salamat”


Kaya ayun, umalis na ko. Nung mga oras na yun, naiisip ko na sana maglinggo na agad para makausap ko na sya, di ko maintindihan kung bakit ako naagkakaganito.


Gabi gabi tinitext ko sya, kaso wala syang matinong reply, pero ayos lang yun, atleast nagrereply sya.


Ngayon Linggo na, maaga ako nagising, excited na ko para mamaya.


Tinext ko na sya, para sigurado akong pupunta sya.


Nagreply naman sya at ang sabi nya ay dadating sya.

Iniisip ko na isa itong “date”.


Kaya nang mag 12:30 pm na umalis na ko, at nagpunta na ko sa meeting place naming, sa isangrestaurant yun.


12:55 na nung makarating ako, nung pagdating ko nandun na sya.


Kaya tinanong ko kaagad sya.


“Kanina ka pa dito?”


“Hindi, kadadating ko lang din.”


“Ah ganun ba. Sige mag order na tayo.”


“ok.”


Pagkatapos naming mag order sinimulang ko nang magtanung sa kanya.


“Bakit parang lagi kang umiiwas sa tao, bakit parang wala kang kaibigan.”


“Ah yun ba, sige sasabihin ko sayo ang dahilan basta mangako ka na wala kang pagsasabihan naibang tao tungkol sa sasabihin ko, mangako ka na ikaw lang ang makakaalam.”


Napaisip ako kung ano ang sasabihin nya. Kinabahan ako bigla.


“Oh sige nangangako ako” sabi ko.


“Oh sige uumpisahan ko na magkwento, makinig ka huh,”tapos ngumiti sya.


Natuwa ako bigla, unang beses ko palang syang nakikitang ngumiti, tapos bigla kong napansin na ang gwapo nya pala. Pakiramdam ko may iba na kong nararamdaman sa kanya.

“sige makikinig akong maige.”

“Ayokong lumapit o makipagkaibigan sa ibang tao, kasi ayokong pagdating ng oras may masasaktan at malulungkot.”


“Huh bakit naman masasaktan at malulungkot”


“Kasi may sakit ako sa utak, parang cancer at may taning na ang buhay ko. Hindi ako pwedeng mapagod ”


Parang may tumusok sa puso ko nung marinig ko yun. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya.



“Totoo ba yan? Binibiro mo lang ata ako eh, ano nga?”



“Di kita binibiro” seryoso nanaman ang pagsasalita nya, at nakita ko din sa mga mata nya na seryoso sya.


“Meron akong Creutzfeld-Jakob disease, at ayon sa kalkulasyon ng doctor meron nalang akong two and half months para mabuhay, kaya ayoko magkaroon ng kaibigan para malang iiyak, walang malulungkot pag nawala ako, ayoko ng may iiyak dahil sakin, at ayoko din ng may malulungkot dahil sakin, di ko kayang Makita na may ibang tao na malulungkot sa pagkawala ko, ayaw ko na kinaaawaan ako. Alam mo ban a ikaw lang ang nag iisang tao na nagging kaibigan ko, may hiling lang sana ako sayo, pag nawala ako wag kang iiyak huh, kasi malulungkot ako pag umiyak ka.” Tapos ngumiti sya sakin.
Pero wala akong magawa, at hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.


“Oh bakit ka umiiyak? Diba sabi ko wag kang iiyak?”


“Bakit patay ka na ba? Sabi mo wag akong iiyak pag wala ka na kaya pwede pa.”


“Sira! Kahit nandito pa ko ayokong may umiiyak dahil sakin.” Tapos tumawa sya.


Natulala ako sa kanya nung tumawa sya, parang syang ibang tao nung mga oras nay un, na hindi ako makapaniwala na tumatawa sya.


“Makatingin naman to !” nagulat ako.


“Robin” seryoso kong sinabi.


“Bakit?”


“Pinapangako ko sayo na magiging Masaya ka sa mga natitirang araw mo sa mundo, PROMISE !”


Seryosong seryoso ako nung sinabi ko yan.


Pero tumawa lang sya.


“Tignan natin.” Sabi nya.



Simula nung araw na yun naisip ko na gusto ko syang pasayahin. Simula nun lagi ko na syang nilalapitan sa school at kinakausap, napapansin din yun ng mga classmate ko. Akala nga nila kame na. Ngumingiti na rin sya, kaya yung mga classmate kong babae nagkakandarapa para lang makausap sya, pero di sila pinapansin ni Robin.



Siguro isang buwan at kalahati narin ang lumipas simula nung naging magkaibigan kami. Masaya ako kasi nagging magkaibigan kami. Pero habang lumilipas ang bawat araw, lalong nadaragdagan ang lungot sa puso ko dahil alam kong nalalapit narin ang pagkawala nya.




Isang linggo na ang nakalipas, napansin kong hindi na sya pumapasok, pag tinetext ko syahindi sya nagrereply, kaya pumunta na ko sa bahay nila, para tignan ang lagay nya.




Pagdating ko sa bahay nila sinalubong ako ng nanay nya, nakangiti sya sakin pero kita parin sa kanya ang lungkot at namumugto ang mata nya. Habang nag uusap kami sa sala, may narinig kami na may sumigaw, kaya dali dali kaming tumakbo papunta sa kwarto ni Robin. Nakita namin sya na halos iuntog na ang ulo nya sa sahig sa sobrang sakit, at nakita ko rin ang nanay nyana humahagulgol, kaya hindi ko na napigilan na umiyak. Sobrang naaawa ako sa kalagayan nya.


Araw araw ko nang dinadalaw si Robin sa bahay nila at inaalagaan.


Ngunit isang araw, bigla nalang gumuho ang mundo ko, nang malaman ko na wala na sya. Iniwan na nya ako.


May binigay sakin ang mama ni Robin na sobre na may laman na liham. Binuksan ko ito at nakita ko ang liham ni Robin para sa akin.



Dear Irish,
Irish. maraming salamat kasi naging kaibigan kita, at maraming salamat din kasi pinasaya mo ko at tinuruan mo kong magmahal, Patawad kasi iniwan kita, ayoko rin namang iwan ka kaso eto yung kapalaran ko eh, salamat talaga. Tuparin mo yung pinangako mo na hindi ka iiyak at malulungkot pag nawala ako. Hanggang dito nalang.
Tandaan mo mahal na mahal kita.Paalam Irish.
-Robin

Di ko napigilang umiyak dahil nawala sya na hindi ko nasasabi na mahal ko din sya. Sana noon pa sinabi ko na. Humihingi ako ng tawad dahil di ko natupad ang pangako ko na hindi ako iiyak. I cry because I love you.


The End

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento