1. Moody: Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip sila, wag niyo nang sasabayan.
2. Pag sinabi nilang nagtatampo sila, lambing lang katapat: Yung salitang tampo way lang nila yun para sabihing lambingin nyo cla. Konting I love you lang, okay na sila.
3. Gusto nila yung palaging kino-compliment: Pag may bago sa itsura nila, gusto nilang mapansin yun (GANYAN C GIRLFRIEND NUNG BAGONG GUPIT) . Kasi nakakataas ng self-confidence nila yun.
4. Pag napansin niyong naging sersyoso yung mga text nila, may mali: Kapag ganun, may nagawa tayong di nila nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe nilang wala, meron talaga. Nahihiya lang sila. Kaya pilitin niyo silang sabihin sa inyong mga lalake kung anu man un. At pagtapos nilang magsabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.
5. Selosa SILA: Kaya iwasan niyong makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan nila. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang kayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.
6. Ang mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang sila. Kasi hindi naman na nila makikita ulit. Ma-attract man sila sa 1-Milyong lalaki, ang puso nila ay para lang sa tunay nilang mahal. Ganun din naman tayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang tayong magtago.
7. Ang mga babae, pinagmamalaki nila yung mga mahal nila ng hindi nating nalalamang mga lalake: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR.
8. Ayaw nila sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba namin sila sasagutin. Naiirita sila. Kaya dapat maging matiyaga kayo kasi dun namin nalalaman kung sino talaga kayo.
9. Kapag malungkot o tahimik sila, gusto nila ng yakap galing sa inyo: Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak niyo na sila. Gumagaan yung pakiramdam nila (FEEL SAFE). :">
10. Gustong gusto nila yung mga lalaking malaki ang respeto sakanila: Yung tipong pag ayaw nila magpa-kiss, hindi niyo gagawin. Instead, lalambingin ka na lang sa ibang paraan. Ang pinaka gusto nilang kiss, kiss on the forehead. It symbolizes, respect.
11. Ang nagpapa-turn on saknila ay yung lalaking protective (pero wag sobra): Yung kapag kasama nila kayo, feeling nila safe na safe sila. Walang mangyayaring masama at hindi sila ilalagay sa panganib.
12. Ayaw nila sa lalaking hanggang text lang: Kung mahal niyo talaga sila, patunayan niyo sa personal. Wag yung sa text lang kayo magaling. Magpaka-lalaki kayo!
13. Sobra silang natutuwa sa mga lalaking ma-effort: Yung kahit walang special day, feel mo eh special ang araw araw nila. Kasi sobrang nakakatuwa kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling nilang mga babae eh, isa silang prinsesa.
14. Ang pangarap nilang mga babae yung ipapakilala sila ng mga lalaki sa kanilang mga barkada at lalo na sakanilang pamilya: Feeling nila sila na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala sila sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nila angkin na angkin na nila ang isang lalaki dahil nakilala na nila ang mga taong bumubuo sa buhay niya. :)
15. Ang mga babae Magaling silang mag-pretend: Kapag nasasaktan sila, nagpapaka-manhind kami. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan sila. Kapag may narinig na sila, nagbibingibingihan sila. Pero kapag mag-isa nalang sila, dun sila naglalabas ng sakit. Dun sila umiiyak. Kaya ang pangarap nilang lalaki is yung sensitive enough sa mga nararamdaman nila. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin kami. (MARTIR)
base lang po yang sa experience ko ha?! hope it can help sa mga tropa kong lalake dyan haha.
girls need to respect to love and to care hope u like it ^^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento